What's Hot

Marian Rivera on Baby Letizia: "Kumumpleto ng buhay ko, ng pagkababae ko"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 28, 2020 9:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Nag-share ang Primetime Queen ng kanyang saloobin tungkol sa kanyang unica hija.  


By BEA RODRIGUEZ

 

A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on


Natupad na ang pangarap ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na maging isang ganap na ina nang ipanganak niya ang kanyang panganay na si Baby Maria Letizia na siyang kumumpleto ng kanyang pagkatao.

READ: Marian Rivera’s first interview after giving birth to Baby Maria Letizia 

“Sabi ko nga, ito ‘yung totoong masasabi ko na kumumpleto ng buhay ko, ng pagkababae ko. Iba talaga kapag may anak. Sabi ko nga, walang maihahambing o maihahalintulad na pakiramdam kapag hawak mo talaga ‘yung anak mo ‘tas nag-smile siya sa ‘yo,” saad ni Yan sa panayam ni Lhar Santiago sa Unang Hirit.

Pareho raw silang masigla ng kanyang anak, “Maligalig na bata! Ang daming mamanahin, ang pagkamaligalig ko ang namana. Nakakatuwa kasi masayahin siya eh [at] palangiti talaga.”

Kakatapos lang ng binyag ni Baby Zia noong nakaraang Linggo at aminado ang aktres na pinili niya itong maging pribado. Sambit niya, “Para sa amin, para sa akin, ang binyag ay isa sa pinakamahalagang okasyon para sa bata eh. Ito ‘yung pasasalamat sa Panginoon so gusto ko talaga intimate lang.”

Dinaluhan ito ng pamilya at malalapit na kaibigan lamang ng mag-asawa. Dagdag ni Yan, “Mga close friends lang at simpleng-simple lang talaga kasi hindi din naman showiz ‘yung anak ko.”

Ngayong magbabalik showbiz na ang Primetime Queen, mami-miss niya raw talaga ang kanyang anak pagkatapos ng tatlong buwan na pag-aalaga.

MORE ON MARIAN RIVERA: 

Si Marian Rivera ay si Ynang Reyna sa 'Encantadia'

Marian Rivera, magkakaroon na ng sarili niyang talk show?

Marian Rivera, balik 'Sunday PinaSaya' na!