Online personalities na tatakbo sa Eleksyon 2025

Sinimulan na nitong Martes, October 1, ng Commission on Elections (Comelec) ang isang linggong paghahain ng certificates of candidacy para sa mga kakandidato sa Eleksyon 2025.
Base sa data na inilabas ng Comelec, mayroong 18,280 na national at lokal na posisyon na paglalabanan kabilang ang puwesto para sa 12 senador, mga kongresista, gobernador, at mga alkalde, na gaganapin sa May 12, 2025.
Unang araw pa lamang ay marami na ang naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) kabilang ang ilang celebrities at online personalities.
Alamin ang ilang social media stars na naghain ng kanilang kandidatura para sa 2025 national and local elections (NLE) sa gallery na ito.











