Poster reveal ng 'Hello, Love, Again,' pinusuan ng netizens

GMA Logo Online reactions to 'Hello Love Again' poster reveal

Photo Inside Page


Photos

Online reactions to 'Hello Love Again' poster reveal



Marami ang tumutok sa poster reveal ng inaabangang pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na Hello, Love, Again.



Kagabi (October 5), marami ring fans ang dumalo sa kauna-unahang nationwide tour ng pelikula na ginanap sa Ayala Malls Solenad, Laguna.

Dinig ang hiyawan ng mga dumalo nang makita ang dalawang main cast na masayang bumati sa lahat. Naghandog din ng awitin sina Alden at Kathryn na tinangkilik at kinakiligan ng fans. Sa nasabi ding mall show unang ipinakita ang poster ng pelikula. Makikita sa poster sina Alden at Kathryn bilang kanilang mga karakter na sina Joy at Ethan, na naglalakad magkasama sa Canada ngunit may kaunting pagitan sa kanilang dalawa.


Habang nire-reveal ang kanilang poster, makikita ang Hello, Love, Again stars na tila nagiging emosyonal at nae-excite na makita ito ng buo. Halo-halo naman ang reaksyon ng fans sa poster. May iba na kinukumpara ang poster sa naunang pelikula na ginawa ng dalawa, ang Hello, Love, Goodbye, kung saan makikita ang pagkakaiba ng pagiging sweet ng dalawang karakter. Mayroon ding netizens na nagpakita ng excitement na mapanood na ang pelikula sa November.


Ang Hello, Love, Again ay ang sequel sa hit film na Hello, Love, Goodbye, kung saan itutuloy nito ang kuwento ng dalawang overseas Filipino workers na sina Joy at Ethan. Sa upcoming film, magkikita muli ang dalawa matapos umalis si Joy sa Hong Kong para makamit ang kanyang pangarap na maging nurse sa Canada.

Ang pelikula ay ang kauna-unahang collaboration ng Star Cinema at GMA Pictures na idinirehe ni Cathy Garcia-Molina. Ipapalabas ang Hello, Love, Again sa mga sinehan nationwide sa November 13, 2024.



Samantala, tingnan ang mga reaksyon ng netizens sa poster reveal ng Hello, Love, Again, dito:


Hello Love Again
Compare
Excitement
Time
Congratulations
Facebook
Heart fluttering
Emotional
Instagram
Stay tune

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties