Handa na si Euwenn Mikaell na ipakita sa telebisyon kung bakit isa siya sa pinakamahusay na batang aktor ngayon at kinilala bilang "Best Child Actor" sa prestihiyosong FAMAS Awards.
Ngayong Oktubre, ipapamalas ni Euwenn ang husay sa pag-arte sa kanyang kauna-unahang TV lead role bilang Rambo Agapito sa inspiring afternoon series na Forever Young.
Talaga namang challenging ang role ni Euwenn sa family drama dahil bibida siya bilang isang 25-year-old na may panhypopituitarism, isang rare medical condition kung saan naapektuhan ang paglaki nito.
Mas kilalanin ang award-winning child actor na si Euwenn Mikaell sa gallery na ito:
Isa si Euwenn Mikaell sa mahuhusay na young talents ngayon ng Sparkle GMA Artist Center.
Noong May 2024, muling pumirma si Euwenn Mikaell ng kontrata sa Sparkle sa naganap na Signed for Stardom 2024.
Nakilala si Euwenn Mikaell matapos na pahangain ang lahat sa 2023 award-winning film na Firefly kung saan bumida siya bilang young Tonton. Umiikot ang kuwento ng Firefly sa paghahanap ni Tonton sa mahiwagang island of fireflies na ikinuwento lang noon sa kanya ng kanyang inang si Elay (Alessandra De Rossi).
Dahil sa husay na ipinakita sa Firefly, nakatanggap si Euwenn Mikaell ng iba't ibang awards tulad ng Best Child Performer sa 2023 Metro Manila Film Festival, 2024 Child Star of the Year sa Platinum Stallion National Media Awards, Most Popular Child Star of the Year sa Guillermo Foundation's Box Office Entertainment Awards, at Best Young Actor sa Paragon Film Lokal Choice Awards.
Kinilala rin si Euwenn Mikaell bilang Best Child Actor sa prestihiyosong FAMAS Awards dahil sa kanyang natatanging pagganap sa Firefly.
Muling ipinamalas ni Euwenn ang husay bilang aktor nang bumida sa Netflix film na Lolo and the Kid, kung saan nakasama niya ang beteranong aktor na si Joel Torre.
Simula 2017, napanood na si Euwenn Mikaell sa ilang TV shows sa GMA tulad ng Destined to be Yours, The One That Got Away, Cain at Abel, My Special Tatay, One of the Baes, Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko, Nakarehas na Puso, The Write One, Abot-Kamay na Pangarap, Magpakailanman, Tadhana, at Regal Studio Presents: My Daddy Chef.
Ipinanganak si Euwenn Mikaell noong January 14, 2013 sa Meycauayan, Bulacan.
Simula October 21, mapapanood na si Euwenn Mikaell sa kanyang kauna-unahang TV lead role sa afternoon series na Forever Young.
Sa Forever Young, magbibigay inspirasyon si Euwenn Mikaell bilang Rambo Agapito, isang 25-year-old na may panhypopituitarism, isang rare medical condition kung saan naapektuhan ang paglaki nito.
Sa kasalukuyan, nasa ikaanim na baitang na sa elementarya si Euwenn Mikaell. Kuha ang larawan niyang ito sa unang linggo ng kanyang pasukan noong August 2024.
Tatlong taon lamang noon si Euwenn Mikaell nang mapanood sa kanyang unang TV commercial.