
Enjoy, Alex!
By MARAH RUIZ
Nakamit ng pelikulang "Hele sa Hiwagang Hapis" ang Alfred Bauer Prize sa Berlinale o ang 66th Berlin International Film Festival. Ang premyong ito ay isa sa mga Silver Bear Awards at iginagawad ito sa mga pelikulang nakapagpamulat tungkol sa mga bagong perspektibo sa larangan ng pelikula.
Dumalo sa screening at awards night ang isa sa mga bituin nitong si Alessandra de Rossi. Kasama niya ang direktor na si Lav Diaz, executive producer Paul Soriano, pati na ang kanyang mga co-stars na sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Susan Africa, Cherie Gil, Angel Aquino at Bernardo Bernardo.
Matapos ang gabi ng parangal, pinili ni Alessandra na manatili muna sa Berlin para mamasyal.
Nag-pose pa siya kasama ng isang malaking stuffed bear sa harap ng isang souvenir shop.
Napadaan din si Alessandra sa Amsterdam ilang araw ang nakalipas bago tumungo sa Berlin para sa film fest.