What's Hot

'Magpakailanman' presents "The Rape Video Scandal"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 24, 2020 2:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Princess Aaliyah to Fred Moser: 'Kung sinabi kong friends lang muna?'
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Itinatampok sina Mark Herras at Thea Tolentino ngayong Sabado (February 27) sa 'Magpakailanman.'


Mabilis nang makilala at sumikat ngayon ang isang tao dahil sa paggawa ng social media videos pero paano kung isang rape video scandal pala ang kakalat at sisira sa kinabukasan ng isang kabataan?

Ngayong Sabado, panoorin natin ang napapanahong kwento ni Ivy – isang high school student na ginahasa at ginawan pa ng rape video scandal ng lalakeng kanyang minahal at pinagkatiwalaan?

Nag-iisang anak na babae si Ivy nina Eloisa at Daniel. Dahil dito, strikto at overprotective sina Eloisa at Daniel kay Ivy. Hindi pwedeng magpaligaw si Ivy hangga’t hindi ito tapos mag-aral.

Nakilala ni Ivy si Erik sa social media. Mabait naman si Erik sa kanya. Naging malapit din sila sa isa’t isa dahil pareho silang mahilig sumayaw. Nang manligaw si Erik, hindi agad pumayag si Ivy. Nagtiyaga naman si Erik na suyuin si Ivy. Nakita ni Ivy na tapat ang hangarin sa kanya ni Erik kaya sinagot n’ya ito. Pero tinago nila ang kanilang relasyon kina Eloisa at Daniel. Natakot kasi si Ivy na ihiwalay s’ya ng kanyang mga magulang kay Erik.

Di nagtagal, niyaya si Ivy ni Erik na makipag-sex sa kanya. Hindi pumayag si Ivy. Dahil sa pagtanggi ni Ivy, lagi na s’yang inaaway ni Erik. Isang beses, pinuntahan ni Ivy si Erik para makipagbati pero may masamang balak na pala si Erik sa kanya. Ginahasa si Ivy ni Erik! Binalaan pa ni Erik si Ivy na ‘wag magsusumbong sa iba.

Makalipas ang ilang araw, gusto na naman ni Erik na makipag-sex kay Ivy. Nagbanta pa ito kay Ivy na may pasasabugin s’ya kung hindi s’ya pagbibigyan. Pero iniwasan na ni Ivy si Erik. Kinabukasan, namutla na lang si Ivy dahil kinalat na pala ni Erik ang video n'ya na hubad at kita ang maseselang bahagi ng kanyang katawan! Kumalat ito sa kanilang eskwelahan hanggang sa nakarating na kina Eloisa at Daniel!

Paano ipaliliwanag ni Ivy sa mga tao na biktima s’ya ng isang rape video scandal? Ano ang kayang gawin nina Eloisa at Daniel para ipagtanggol ang kanilang anak? At sa ibabaw nito, magawa pa kaya ng pamilya ni Ivy na muling bumangon sa kabila ng eskandalong ito?

Ngayong Sabado, February 27, tunghayan natin sa Magpakailanman ang "THE RAPE VIDEO SCANDAL."

Itinatampok sina Kapuso stars Mark Herras at Thea Tolentino. Kasama rin sina Gardo Versoza, Shamaine Buencamino, Mayton Eugenio at Jemwell Ventinilla.

Sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Lord Alvin Madridejos, mula sa panulat ni Senedy Que, at pananaliksik ni Karen P. Lustica.