Ang mga 'biktima' sa GMA Prime

Biktima ng iba't ibang sirkumstansiya ang minamahal nating mga karakter mula sa GMA Prime.
Sa Pulang Araw, biktima ng digmaan sina Eduardo, Adelina, Teresita, at Hiroshi na may kanya-kanyang hinaharap na mga pagsubok.
Sina Sam at George mula sa Widows' War, biktima ng mga sikreto ng isang mayaman at makapangyarihang pamilya.
Biktima naman ng pintig ng kanilang mga puso sina Cristy, Jordan, Shaira, Leon, at Hannah sa Asawa ng Asawa Ko.
Tulad nila, humarap din sa malalaking pagsubok ang mga bida mula sa mga natapos nang programa mula sa GMA Prime.
Gayunpaman, nakawala din ang mga ito mula sa kanilang lugmok na katayuan.
Balikan ang mga biktima sa GMA Prime at kanilang pagbangon sa gallery na ito:









