Team ng 'Voltes V: Legacy,' dumalo sa premiere ng kanilang serye sa Japan

Nasa Japan ngayon ang team ng Voltes V: Legacy para sa premiere ng Japanese version ng Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience.
Naroon ang mga bidang sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Martin Del Rosario, at Gabby Eigenmann. Kasama rin nila si Direk Mark Reyes, GMA at Telesuccess Executives.
Sa Instagram ay nag-post sina Direk Mark at GMA senior project manager Helen Rose Sese ng ilang litrato ng kanilang oras sa Japan. Nakilala rin ng Pinoy cast ang Japanese voice actors na gaganap sa kani-kanilang mga karakter para sa Japanese version ng pelikula.
Tingnan ang mga naganap sa pagpunta ng Voltes V: Legacy team sa Japan sa gallery na ito:















