What's Hot

READ: Gladys Reyes's emotional farewell message for Direk Wenn Deramas

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 13, 2020 11:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

16k cybercrimes logged since 2024 due to Pinoys' increased awareness – CICC
Travelers flock at terminals on Christmas Eve
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



"Salamat, Direk Wenn." - Gladys Reyes


By AL KENDRICK NOGUERA

Isa si Gladys Reyes sa mga nagluluksa sa biglaang pagpanaw ni Wenn Deramas. Sa mga hindi nakakaalam, ninong ni Gladys ang direktor sa kasal.

READ: Wenn Deramas passes away at 48

Sa Instagram ng Little Nanay star, ibinahagi niya ang kanyang larawan kasama ang multi-awarded director na may kalakip na mensahe para sa namayapang kaibigan.

READ: Kapuso stars grieve the sudden death of beloved director Wenn Deramas

 

A photo posted by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes) on


Ayon kay Gladys, malaki raw ang naging parte ni Direk Wenn sa kanyang showbiz career. "Ninong Direk Wenn, hanggang sa huling sandali iba ka! Ni walang actor's cue, nag-cut ka agad at tuloy sa pagpack-up. Saan ka man naroroon, 'di ko makakalimutan na dahil sa unang teleserye ko sa 'yo ako nagkaroon ng una ko rin award at sa apat na teleseryeng nagkasama tayo, naging mas malalim ang pagkakakilala ng bawat isa satin," saad niya.

Dagdag pa niya, "Hanggang sa dulo ng walang hanggan, naging mabuti kang anak, tatay at nanay, masayahin at matulunging kaibigan at katrabaho. Habang may buhay ako magiging grateful sa 'yo hindi lang sa mga markadong papel na ipinagkatiwala mo sa 'kin kung 'di dahil simula nang pumayag kang maging Ninong namin sa kasal ay nagkaroon tayo ng personal na ugnayan hindi lang sa trabaho at harap ng kamera. At hindi mo nalilimutan pati na mga anak ko sa mahalagang okasyon sa buhay mo, pati na rin ng mga anak mo."

"Ninong Direk, mami-miss namin ang mga kwento mo, halakhak during taping breaks, punch lines, on the spot revision or additional lines sa script. Salamat! Salamat, Direk Wenn," pagtatapos ni Gladys.