
Enjoy your special day! Happy birthday Jerald!
Ngayong March 2, isa si Jerald Napoles sa mga nagdiriwang ng kanyang kaarawan. At upang ipagdiwang ang araw ng kanyang kapanganakan, tumungo ang mainstay ng Sunday PinaSaya sa Thailand. Kasalukuyan siyang nasa Impiana Beach Resort sa Patong, Phuket.
Hindi naman mag-isa si Jerald sa Thailand sapagkat kasama niya ang kanyang kaibigang si Nar Cabico.
Hindi rin nakalimutan ng mga ilang malapit na kaibigan ng komedyanteng aktor ang kanyang kaarawan at nagpadala ang mga ito ng kanilang pagbati through his social media account.
