What's Hot

Chlaui Malayao, bittersweet sa pagpasok sa showbiz nang maaga

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 25, 2020 5:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang tunay na nararamdaman ni Chlaui sa maagang pagsabak niya sa showbiz? Masaya ba siya o malungkot? Alamin.  



Photo by: Bochic Estrada

Anim na taong gulang pa lamang si Chlaui Malayao nang sumabak siya sa mundo ng showbiz. Two years ago, nasungkit ng Kapuso child star ang role ni Eliza sa Yagit at pagkatapos ng show ay nasundan agad ito ng Little Nanay.

Kung ikukumpara sa mga bata na wala sa industriya, ibang-iba ang pinagdaraanan ni Chlaui. Ayon sa kanya, mixed emotions daw ang nararamdaman niya sa pag-aartista nang maaga.

"Masaya naman po na malungkot. Malungkot kasi sila [ibang mga bata] nakakapaglaro sila tapos nag-i-school lang sila. Pero masaya po ako kasi bata pa lang artista na ako tapos medyo marami na rin pong projects," pahayag ni Chlaui.

Simula nang mag-artista si Chlaui, malaki na ang pinagbago ng antas ng kanilang pamumuhay. Sa katunayan nga ay naipaayos na niya ang kanilang bahay dahil sa mga kinitang pera.

READ: Chlaui Malayao, naipaayos na ang bahay dahil sa 'Yagit'

Pero linaw ni Chlaui, mayroon naman daw siyang oras para makipaglaro sa mga kapatid at pinsan niya tuwing walang taping tulad ng mga araw ng Linggo at Lunes.

Sa studies naman, hindi naman daw niya ito napapabayaan dahil kahit na sa regular school siya pumapasok ay hindi naman daw mababa ang kanyang grades. "Nagtu-tutor po ako sa bahay tapos nag-e-exam," bahagi niya.

MORE ON CHLAUI MALAYAO:

READ: Kris Bernal's touching farewell message for Chlaui Malayao

Nora Aunor on Chlaui Malayao: 'Magaling na bata, 'wag pababayaan [ng GMA]'