Bernadette Sembrano, Julius Babao, nag-react sa pag-aresto kay John Wayne Sace

Parehong nanghinayang ang broadcast journalists na sina Bernadette Sembrano at Julius Babae sa sinapit ng dating actor na si John Wayne Sace.
Matatandaang inaresto ang dating aktor dahil sa pamamaril at pagpatay umano sa kanyang kaibigan.
Noong nakaraang taon lang, na-interview pa nina Bernadette at Julius si John Wayne.
Ayon kay Bernadette, napansin niyang kakatwa ang kilos at asal nito habang nag-uusap sila.
Nabasa rin daw niya ang mga komento ng manonood noong una niyang inilabas ang interview sa kanyang vlog. Karamihan dito ay may mga lamang haka-haka na may kinalaman pa rin sa droga si John Wayne.
Samantala, inilahad naman ni Julius na ilang beses niyang inalok na magpa-rehab ang si John Wayne pero lagi itong tumatanggi. Tumanggi rin daw itong lumayo mula sa lugar na kanyang tinitirahan.
Silipin ang pagbabalik-tanaw nina Bernadette Sembrano at Julius Babao tungkol sa kanilang mga panayam kay John Wayne Sace bago ito inaresto dito:









