
Happy birthday, Lola Iska!
Ipinagdiriwang ngayon ng grandmother ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na si Lola Iska ang kanyang kaarawan.
Dahil malapit si Marian sa kanyang lola sa inang si Mommy Amy, ibinahagi ng upcoming Encatandia star ang mensahe at birthday wish para sa tinatawag niyang Nanay.
Saad ni Marian, "Isa sa mga ipinagpapasalamat ko sa Panginoon ay ang araw na ito, ang iyong kaarawan. Walang hanggang pasasalamat sa pag-aalaga at pagmamahal mo sa akin, tanging dalangin ko nawa'y maging masaya ka araw-araw sa buhay mo. Palagi nandito ang iyong bunsolilit para sa 'yo. Maligayang kaarawan, Nanay. Mahal na mahal kita."
MORE ON MARIAN RIVERA:
Dingdong Dantes, saludo kay Marian Rivera sa pag-aalaga kay Baby Zia
Hot mommy Marian Rivera, bares her secret to staying fit and sexy
Check out Marian Rivera's heartwarming post about Women's Month