Kapuso stars na umawit ng 2024 GMA Network Christmas Station ID

Puno ng pasasalamat at saya ang handog ng GMA Network ngayong taon sa pinakabagong Christmas Station ID na "Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat."
Mula sa nakaka-LSS nitong kanta hanggang sa masiglang music video, ibinahagi ng jingle ang tunay na diwa ng Paskong Pinoy. Ito ay puno ng tuwa, pagmamahal, at pasasalamat.
Ang heartwarming Christmas Station ID ay inawit ng ilang magagaling na Kapuso artists, katulad ng Queendom Divas na sina Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Rita Daniela, Jessica Villarubin, Hannah Precillas, Mariane Osabel, at Thea Astley. Kabilang din sa lineup ang Kapuso stars na sina Garrett Bolden, Anthony Rosaldo, John Rex, at ang Sparkle youngest P-pop group, Cloud 7.
Ang "Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat" ay binuo ng mga mahusay na manunulat na sina Christine Autor, Natasha L. Correos, Joe-Edrei Cruz, Ann Margaret Figueroa, Lorraine Intes, at Samantha Toloza.
Silipin ang behind- the-scenes ng 2024 GMA Network Christmas Station ID recording, dito:










