
Alam n'yo bang 24 years nang manager ni Gladys si Nanay Lolit?
"'Wag ko na raw ipilit magpa-sweet sa TV dahil 'di naman sweet ang mukha ko," bahagi ni Gladys Reyes sa kanyang Instagram. 'Yan daw ang mga kataga para sa kanya ni Lolit Solis, ang kanyang manager for 24 years.
Kilalang-kilala ang pangalan ni Gladys sa pagmamaldita. Karamihan nga sa kanyang roles ay kontrabida dahil napaka-effective niya sa kanyang characters noon. Sa katunayan, hanggang ngayon nga ay masama pa rin ang ugali ng kanyang Little Nanay role ngayon na si Vivian.
Nag-taping si Gladys sa CelebriTV at nakasama niya si Manay Lolit. Hindi sinayang ng Kapuso actress ang pagkakataong magpa-picture sa handler at ibahagi ang isang mensahe para rito sa Instagram.
READ: 'CelebriTV,' mapapanood na muli sa orihinal nitong time slot
"Na-miss ko si Nay Lolit! My mentor, protector, manager for almost 24 years and counting! Dahil sa kanya kaya ako naging kontrabida, dahil naniniwala siya na 'yun daw ang nagtatagal," saad ni Gladys.
Sang-ayon din daw si Gladys kay Lolit na mukhang masungit ang mukha niya kaya mas bagay sa kanya ang mag-kontrabida. Aniya, "Well, may point naman siya, haha."
"Kala nila mataray siya (Lolit) pero front niya lang 'yun dahil isa s'ya sa pinaka-generous at pinakanakakatawang [tao na] nakilala ko at nanay na nanay sa 'ming mga alaga niya. Mahal kita, Nanay Lolit," pagtatapos ni Gladys.
MORE ON GLADYS REYES:
Gladys Reyes, nagpasalamat sa mga katrabaho niya sa 'Little Nanay'
Gladys Reyes's rating on 'Little Nanay' as MTRCB Board Member: "Very wholesome, family-oriented"
READ: Gladys Reyes's emotional farewell message for Direk Wenn Deramas