Rita Daniela, nagsalita na matapos ireklamo si Archie Alemania

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Rita Daniela pagkatapos niyang sampahan ng reklamong act of lasciviousness ang aktor na si Archie Alemania.
Ayon sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras, Huwebes, ibinahagi ng aktres na pinipili nito maging matatag sa kabila ng mga nangyayari sa kanya.
"I'm really trying my best to be okay because I have to be okay."
"I have no choice because there is a person who's depending on me," paliwanag niya.
Ngunit hindi pa rin maitago sa mga mata ni Rita ang bigat ng kanyang pinagdadaanan ngayon.
Aniya, "There are days na hindi ko rin napipigilan, bumibigay ako bilang tao."
Naikuwento niya na siya ay nagsimula rin mag-counseling at iba pang mga bagay na maaaring makatulong sa kanya na mag-move on.
Sabi ni Rita, ginagawa niya rin ito para tulungan ang mga kababaihan na hindi nagkaroon ng boses at ipaglaban ang kanilang mga karapatan.
Ikinuwento niya na maraming lumalapit na mga kababaihan sa kanya para purihin ang kanyang ginawa.
Pag-amin pa niya, "It took me a while talaga to do this kung ano yung ginawa ko."
Panoorin ang buong ulat dito:
Samantala, tingnan ang ilang celebrities na naging biktima ng sexual harassment dito:














