
Sino naman kaya ang makakalaban ni Pambansang Bae?
Inaabangan tuwing Sabado kung sino-sino ang sasabak sa Lip Sync Battle Philippines stage. Kagabi nag-tweet ang host nito na si Michael V kung sino ang posibleng susunod na magpapakitang gilas sa game show.
Aniya, sa set ng Lip Sync Battle Philippines kagabi, nadaanan niya ang dressing room ng Dubsmash Pambansang Bae, Alden Richards.
Taping #LipSyncBattlePH now.
— Michael V. GMA (@michaelbitoygma) March 12, 2016
May nadaanan lang ako...
???????????? pic.twitter.com/KBZput7J36
Matutupad na ang matagal na request ng mga tagasubaybay ng show at may kaniya-kaniyang hula naman ang mga netizens kung sino ang makakalaban ng Kalye-serye star.
FYI "dinalaw" ako ni Jhake sa set ng #LipSyncBattlePH ... https://t.co/5IvY4WlH5v
— Michael V. GMA (@michaelbitoygma) March 12, 2016
Hanggang doon lang ang patikim na maibibigay ni Michael V at binitin ang mga fans ng Pambansang Bae at Lip Sync Battle Philippines.
Tama na! Baka kung ano pa mai-Tweet ko!
— Michael V. GMA (@michaelbitoygma) March 12, 2016
Good night! ??????
Ngunit kanina bago matapos ang Sunday PinaSaya, kay Alden na mismo nanggaling kung sino ang kanyang makakatapat niya sa Lip Sync Battle Philippines stage. At ito ay walang iba kungdi ang kanyang kasama sa "Chef Boy Next Door" at magaling na comedian/theater actor na si Jerald Napoles! Tiyak na riot na naman ang episode ngayong Sabado, kaya abangan!
WATCH: Gladys Guevarra and Pekto perform Proud Mary Lip Sync Battle Philippines
WATCH: Gladys Guevarra and Pektos Winner Moment in Lip Sync Battle Philippines
READ: Alden Richards at Jake Ejercito nagkakilala na ng personal kanina sa kalye-serye