BINI shares journey as nation's girl group in 'KMJS'

Sa ika-20 anibersaryo ng Kapuso Mo, Jessica Soho, nakapanayam ng programa ang "nation's girl group"--BINI.
Ayon kay Stacey, hindi pa rin sila makapaniwalang tinagurian na silang nation's girl group.
"Nakakilig siya kung papakinggan, pero hindi po talaga namin siya inexpect kahit ngayon hindi pa rin siya nag-sisink in na nation's girl group kami kasi dati rati nag-ta-tricycle lang kami," saad ni Stacey.
Dagdag nito, "Grateful po kami kasi lahat ng pagod namin, worth it lahat."
Hindi madali ang pinagdaanan ng BINI na binubuo nina Jhoanna, Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, and Sheena.
Sumailalim sila sa Korean style training, kung saan naging strikto ang kanilang schedule at diet. "One day before ng diet namin saka lang po sinabi na 'Okay girls, magkakaroon kayo ng training and mag-da-diet kayo.'
"Nagulat po talaga 'yung mga katawan namin," kwento ni Jhoanna.
Nasanay sila na puro nilagang itlog at saging na saba ang kanilang pagkain, kwento ni Maloi, "Hindi rin po kami makapaniwalang na-survive namin.
"Hindi lang siya physically draining, emotionally and mentally draining kasi hindi namin nakikita mga pamilya namin. Hindi po kami nakakalabas nun," ayon kay Maloi.
Dagdag ni Colet, "Iniisip ko lang po lagi ang layo na ng process ng traning ko, kung tumigil po ako mababalewala lahat ng paghihirap."
“Masaya lang po sa puso na love na love kami ng mga tao na hindi naman po naming akalain kasi we're just being ourselves lang naman,” paliwanag ni Colet
Balikan ang kanilang naging interview sa award-winning show na 'Kapuso Mo Jessica Soho' dito:









