Claudine Barretto, naghahanap ng 'multi-tasker' PA; netizens nagreact sa 'demanding' job offer

Ibinahagi ng veteran actress na si Claudine Barretto sa kanyang Instagram na kinakailangan niya ng isang "multi-tasker" personal assistant (PA).
Ngunit, ang kanyang job offer post ay umani ng maraming reaksyon galing sa netizens.
Isinulat ng aktres na naghahanap siya ng PA na sanay rin sa puyatan, masipag, marespeto, at may experience rin daw sa accounting.
"Yung every Friday, i-rereport how much kinita at how much ang nabawas at kung saan ginamit yung money. Take care of the schedule ko at mga bata," dagdag niya.
"Also, siya magpapatakbo ng lahat sa bahay namin & sanay sa puyat kasi ganun po talaga sa shootings/tapings. Yung masipag, alerto, multitasker gaya ko po, at important very neat & organized."
Nabanggit pa nito na siya ay ipagdasal na makahanap ng tamang tao sa role na ito. Isa sa mga requirements ng aktres ang bio data o resume at NBI clearance.
Sabi niya sa dulo ng kanyang post, "Maraming maraming salamat po sa inyo. Thank you for the help in advance. Godbless po sa inyong lahat."
Sa mga natamo nitong negatibong reaksyon, nagpaliwang ang aktres sa comments section. Aniya, kailangan lamang niya ng extra katulong sa kanyang weekly expenses at sa pag-organize ng kanyang schedule dahil magkakaroon muli siya ng trabaho.
Nilinaw rin ni Claudine na mayroon na silang kasambahay na all-around sa bahay. Kinakailangan lamang nito ng tutulong sa kanya na sumagot rin sa mga calls.
Sa ngayon, naka-off na ang comments sa naturang post.
Samantala, tingnan ang ilang celebrities at kanilang loyal PAs and yayas dito:

































