What's Hot

Tuklasin ang kakaibang monster DNA ng 'Monsuno'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 28, 2020 1:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LA Tenorio, Yukien Andrada relish Magnolia debuts as playing coach, rookie
December 22, 2025: One North Central Luzon Livestream
Check out these gifts that champion health and comfort

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang 'Monsuno,' tuwing Sabado at Linggo, 7:00 am sa GMA!


Ang mga Monsuno ay dumating sa planetang Earth mula sa mga meteors na tumama dito ilang milyong taon na ang nakakalipas.

Ngayon, nabuhay muli ang mga ito at namumuhay nang mapayapa kasama ng mga tao.

Ang mga teenagers na sina Chase, Jinja, and Bren ay may kanya kanyang mga Monsuno na sina Lock, Charger, and Quickforce. Sa tulong ng mga ito, maglalakbay sila para hanapin ang ama ni Chase na si Jeredy Suno ang creator ng mga Monsuno.

Makakasama pa nila ang isang monghe mula sa Himalayas na si Beyal, pati na ang kanyang Monsuno na si Glowblade. Makikilala rin nila ang isang misteryosong binatang si Dax at ang kanyang Monsuno na si Airswitch.

Mahanap kaya nila ang ama ni Chase? At sino ang grupong STORM na tila humahabol sa kanila at kanilang mga Monsuno?

Abangan ang Monsuno, tuwing Sabado at Linggo, 7:00 am sa nag-iisang tahanan ng astig, ang GMA Astig Authority!