What's Hot

Mga pelikulang naghihikayat ng pagninilay ang tampok ng GMA sa Biyernes Santo

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 2, 2020 6:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Maja Salvador shows face of daughter for the first time, vows to protect her privacy
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Sama-sama tayong magnilay ngayong Biyernes Santo sa mga programang hatid ng GMA.


 

Ang Biyernes Santo ay para sa pagninilaynilay kaya naghanda ang GMA ng ilang mga programang magsisilbing ehemplo para balikan ang ating mga desisyon sa buhay. 

Buksan ang araw kasama ang Doraemon: Nobita's Dorabian Nights (7:00 am), Pokemon Black: Victini and Zeckrom (8:00 am), Detective Conan: The Fourteenth Target (9:00 am) at dalawang episodes—"Unang Bahaghari" at "Alamat ng Bayabas" sa GMA.

Alamin ang mga saloobin at kuru-kuro ng ilang mga opisyal ng simbahan tunkol sa iba't ibang mga religious topics sa Power to Unite with Elvira (11:00 am).

Hindi naman mawawala sa Semana Santa ang Siete Palabras (12:00 pm). Balikan ang huling pitong wika ni Hesus at ang naging kahulugan nito para sa lahat ng mga Katoliko.

Kilalanin ang Santo Papa, mula sa kanyang kabataan hanggang sa kanyang pag-akyat sa Vatican sa Francis: The Pope from the New World (3:00 pm).

Bago pa man siya higit na nakilala bilang direktor ng award-winning film na Heneral Luna, isinulat at idinirehe ni Jerrold Tarog ang pelikulang Sana Dati (4:00 pm). Kuwento ito ng isang babaeng malapit nang ikasal ngunit may lalaking darating na magpapaalala sa kanya ng kanyang una at tunay na pag-ibig. Tampok dito si Paolo Avelino at Kapuso stars na sina Lovi Poe, Benjamin Alves at TJ Trinidad.

Tunghayan naman ang natatanging pagganap ni Kristoffer Martin bilang isang buyonero o tagalinis ng banyo sa kulungan sa Tanikala: Buyonero (5:30 pm).

Huwag palampasin ang iconic film na The Ten Commandments (7:00 pm). Mula ito sa batikang direktor na si Cecil B. DeMille at tampok dito ang classic Hollywood stars na sina Charlton Heston at Yul Brynner.

Dala naman ng pelikulang Above the Clouds (10:30 pm) ang iba't ibang emosyong dulot ng pagkawala ng mga mahal sa buhay. Gaganap bilang mag-lolo na nagluluksa sina Ruru Madrid at Pepe Smith matapos pumanaw ang mga magulang ng binata.