What's Hot

Contestant ng 'Wowowin,' tinanggap na dancer ni Willie Revillame sa show

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 9:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Napuno ng emosyon ang mga tao sa studio, at maski ang mga co-hosts ni Willie ay hindi napigilang maluha.


 


Agad-agad na naging bahagi ng Wowowin family ang isang dancer na naglaro sa 'Song Tanong' segment ng programa ni Willie Revillame noong Biyernes, March 18.

Bago magpakitang-gilas sa naturang segment ay ibinahagi ni Carol na bata pa lamang siya ay pangarap na niya maging isang mananayaw.

Aniya, "Simula eight years old pa lang ako nag-o-audition na talaga ako. Ayun, laging hindi nakakapasok. Pumipila ako ng 3 A.M. Marami [kasabay sa auditions], 300 plus. Minsan umaabot pa ng 1,000. Inuutang pa namin 'yung pamasahe hanggang ngayon. Gusto ko talagang maging dancer."

Graduating student ngayon si Carol ngunit hindi pa raw siya nakakabayad ng tuition sa eskwela. Rumaraket din daw siya bilang isang modelo, at kahit magdamag ang kanyang trabaho ay hindi pa rin daw sapat ang kanyang natatanggap na talent fee.

"Kuya Wil, gusto ko maging dancer," pag-ulit niya sa Wowowin host.

Naghayag din siya ng pasasalamat sa kanyang ina na sa kasama niya sa studio. Aniya, "Nagpapasalamat ako kasi kahit late na ako umuuwi, sinusundo niyo pa rin ako ni Papa. Kahit wala na ako pambayad sa school, gumagawa pa rin kayo ng paraan, kahit ipangutang niyo, kahit lagi tayo pinupuntahan sa bahay, sinisingil tayo. Okay lang kasi pag ako natanggap na dancer ni Kuya Wil, aahon din tayo, Ma."

Mabilis naipanalo ni Carol ang 'Song Tanong' dahil nakuha niya ang lahat ng tamang sagot. Dahil dito ay umabot siya sa 'Pera o Kahon,' ang jackpot round kung saan maaari niyang mapanalunan ang isang milyong piso, at brand new house and lot.

Pinili niya ang kahong may pangalang Kampupot, at umabot hanggang P50,000.00 ang negosasyon nila ni Kuya Wil sa laro.

Sa huli ay pinili ni Carol at ng kanyang ina ang pera, ngunit sa gulat nila ay ang mega jackpot pala ang laman ng napili nilang kahon. Hindi man nila nakuha ang pinakamalaking premyo, hindi agad pinanghinaan ng loob si Carol.

Bulong niya kay Willie, "Dancer na lang, Kuya Wil. Para ako na lang magbibigay ng pera kila Mama. Kasi hindi na ako makakapag-aral next year, kailangan ko talaga magtrabaho."

"Okay lang kuya maging dancer ako dito," patuloy niya.

Naantig naman ang dadamdamin ni Willie sa kabaitan at pagpapakumbaba ng contestant. Nag-offer siya na dagdagan ng P30,000.00 ang kanilang i-uuwing salapi. Sambit din niya, "Gusto mo maging dancer? Sige, dancer ka na ng Wowowin. Pasok ka na sa Thursday. Magpractice ka na."

Napuno ng emosyon ang mga tao sa studio, at maski ang mga co-hosts ni Willie ay hindi napigilang maluha.

Nagpaabot ng mensahe si Carol na ngayon ay bahagi na ng Wowowin Pretty Ladies. Wika niya, "Thank you, Kuya Wil. 'Yung mga taong nang-da-down sa akin, na hindi ako magiging dancer, ito na 'yung pangarap ko. After how many years, thank you GMA 7, Wowowin, Kuya Wil."