
Bukod sa mga Filipino movies, naghanda din ang GMA ng mga international films na siguradong aantig sa inyong damdamin.
Dekalidad na Filipino movies ang hatid ng GMA ngayong Maundy Thursday.
Simulan ang inyong umaga kasama ang Sa Mata ng Simbahan (7:00 am), ang kuwento ng pagtutulungan ng mga residente ng Vinzons, Camarines Norte para ayusin ang 400-taong simbahan ng St. Peter the Apostle, na nasunog noong 2012.
Para naman sa mga bata, magkakasunod ang mga cartoons na kapupulutan ng aral tulad ng Doraemon: Nobita's Dinosaur (7:45 am), Detective Conan: The Time Bombed Skyscraper (9:00 am), "Langgam at Tipaklong" at "Juan Tamad" mula sa GMA original na Alamat (10:00 am) at Barbie: The Princess and the Popstar (11:00 am).
Balikan din ang smash hit na nakatanggap ng grade A mula sa Cinema Evaluation Board of the Philippines, ang Mulawin the Movie (12:00 pm). Abangan muli sina Angel Locsin bilang Alwina at Richard Gutierrez bilang Aguiluz.
Silipin naman ang mundo ng Crying Ladies (2:00 pm) humakot ng awards sa Metro Manila Film Festival noong 2003. Tampok dito si Megastar Sharon Cuneta, Hilda Koronel at Angel Aquino.
Samahan si Diamond Star Maricel Soriano sa Inang Yaya (4:00 pm) kung saan nag-aagawan para sa kanyang atensyon at pagmamahal ang kanyang tunay na anak at ang kanyang alaga.
Mula sa CBN Asia, huwang palampasin ang Tanikala: Sa Isang Iglap (5:30 pm). Bibigyang buhay ni Glaiza de Castro ang isang anak ng pastor na malululong sa iba't ibang mga bisyo. Mababago ba siya ng kanyang pananampalataya?
Bukod sa mga Filipino movies, naghanda din ang GMA ng mga international films na siguradong aantig sa inyong damdamin.
Pagbibidahan ng Portuguese actor na si Diogo Morgado ang Son of God (7:00 pm), kuwento ng buhay, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus mula sa pananaw ng kanyang alagad na si John.
Abangan din ang South Korean sleeper hit na Miracle in Cell Number 7 (10:00 pm), kung saan mapagbibintangan sa isang krimen at makukulong ang isang mentally-challenged na lalaki.