'FPJ sa GMA,' magbabalik!

Matapos ang ilang dekada, magbabalik ang mga pelikula ng nag-iisang Fernando Poe, Jr., sa original home nito sa telebisyon.
Sa 2025, muling mapapanood ang FPJ classics sa GMA Network, na unang nagpalabas ng mga pelikula ng King of Philippine movies noong '80s. Pinamagatan itong FPJ sa GMA na weekly presentation ng mga pelikula ng legendary action star sa small screen tuwing Sabado ng gabi.
Ang pagbabalik ng FPJ sa GMA ay maisasakatuparan matapos pumirma ng isang partnership agreement ang Kapuso Network at ang FPJ Productions, Inc., ang responsable sa pagre-restore ng mga pelikula ni Da King.
Narito ang ilang larawan mula sa naganap na contract signing ceremony.






