Neri Naig, nakalaya na matapos ibasura ng korte ang warrant of arrest

GMA Logo Neri Naig Miranda

Photo Inside Page


Photos

Neri Naig Miranda



May good news na para sa aktres na si Neri Naig!

Ayon sa ulat ni Jun Veneracion, iniutos na ng Pasay RTC sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na palayain ang aktres at negosyante ngayong araw, Disyembre 4.

"The BJMP received the court order issued today by RTC (Regional Trial Court Branch) 112 ordering the release of Nerizza Miranda," saad ni BJMP spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera sa mensahe nito sa GMA News Online.

Base sa pahayag ng korte, immediate release ang utos kung walang ibang kaso ang magiging hadlang sa kanyang paglaya. Binasura na ang warrant of arrest laban kay Neri sa kasong syndicated estafa dahil hindi siya nabigyan ng due process.

May hiling naman ang kampo ni Neri na i-withdraw ang information. Ngunit, hindi ito napagbigyan ng korte.

Inatasan naman ng korte ang Office of the City Prosecutor ng Pasay na magsawa na lamang ng panibagong preliminary investigation habang kasalukuyang nasa ospital ang aktres.

Ayon naman kay Bustinera, hindi na kailangang ibalik pa sa Pasay City Jail ang aktres para iproseso ang pagpapalaya sa kanya.

Sa Disyembre 11 naman na isasagawa ang arraignment at pre-trial ni Neri na dapat sana'y noong Disyembre 3.

Kamakailan lamang, nagsalita si Chito Miranda tungkol sa pagkaka-aresto sa kanyang asawa sa kanyang Instagram account.

"Praying na ma-sort out na ang lahat ng ito...kawawa naman yung asawa ko," isinulat ni Chito.

"Never nanloko si Neri, at never sya nanlamang sa kapwa."

Updated as of December 4, 6:51 p.m.

Ayon sa report ng 24 Oras ngayong Miyerkules, nakalaya na raw si Neri Naig dakong alas-sais ng gabi. Kasunod ito ng pagbasura ng korte sa warrant of arrest laban sa aktres.

Samantala, tingnan ang mga business na naipundar ni Neri Naig dito:


Neri's Gourmet Tuyo
Resellers
Very Neri Beddings and Sleepwear 
Amare La Cucina
Jaytee's Filipino Cuisine
Jeju Samgyupsal
Extraordineri Salon
Neri's Cottage
Miranda's Beach Condo
Miranda's Rest House 
Baguio Rest House

Around GMA

Around GMA

PH Embassy in Thailand advice Filipinos to be cautious, vigilant
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays