Binigyang buhay ni Sunshine Dizon ang karakter ni Pirena sa orihinal na Encantadia nang ipalabas ito sa telebisyon.
Panganay sa apat na magkakapatid, likas para kay Pirena ang pagiging matalino at isang lider. Matayog ang kaniyang mga hangarin at handa siyang gawin ang lahat para makamit ito.
Gaya ng apoy, si Pirena ay mapusok, lalong-lalo na pagdating sa digmaan ngunit tulad din ng isang napabayaang baga, maaari siyang lamunin ng kaniyang emosyon at walang makatutupok nito.
Malapit n'yo nang makilala ang tagapagmana ng Brilyante ng Apoy. Abangan.
Asnamon Voya Nasar!