What's Hot

Kim Domingo, gustong ikuwento ang buhay sa 'Magpakailanman'

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 1, 2020 2:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 2, 2026
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Gusto rin ni Kim na siya mismo ang gaganap sa kuwento ng buhay niya.


 

A photo posted by Kim Domingo (@therealkimdomingo) on


Nangangarap lang dati ang baguhang Kapuso actress na si Kim Domingo na makapasok sa mundo ng show business pero ngayon ay napapanood na siya sa longest-running comedy gag show na Bubble Gang. Bibida na rin siya sa upcoming GMA Telebabad soap na Juan Happy Love Story'ngayong Abril. Kasama din siya sa pelikulang "Magtanggol."
 

 

First Scene ?? #MagtanggolMovie2016

A photo posted by Kim Domingo (@therealkimdomingo) on


READ: Kim Domingo lands another big break in 'Juan Happy Love Story'

Ibinuhos ng French-Filipina model-turned-actress ang kanyang saloobin sa Facebook, "Minsan nga naiiyak ako [dahil] sobrang bait ng Panginoon. Ang bilis-bilis, parang [dati] nag-post [pa ako na] one day makakapasok din ako [ng] showbiz."

Laking gulat ni Kim na sunod-sunod ang mga oportunidad na dumarating sa kanyang buhay ngayon. "Minsan tinatanong ko ang sarili ko, "nanaginip lang [ba ako]?" Basta sobrang saya [na] nagbunga lahat ng pagsisikap at pagaantay ko ng tamang panahon."

READ: Kim Domingo, naikuwento ang mga pinagdaanang hirap sa buhay 

Newbie man siya sa industriya na kinalalagyan niya, handa siyang matuto at malampasan ang mga hamon dito. Malaki raw ang tulong ng mga taong sumusuporta sa kanya. "Gusto kong magpasalamat sa lahat ng taong never hinusgahan [ang] pagkatao ko [at] sinusuportahan ako. [Kung hindi] din dahil sa inyo, [hindi] ako mapupunta dito."

Higit sa lahat, nagpapasalamat rin siya sa Panginoong Diyos na nagbubuhos ng blessings sa kanyang buhay. "Kay Lord, thank you!!! Tinupad mo [ang] pangarap ko. Lagi [kitang] kinakausap [dati] at [hindi] mo [ako] binigo hanggang ngayon."

Ang kanyang God-given talent raw ang nagsilbing daan upang matupad ang kanyang pangarap. "Nakakaiyak naman, basta thank you talaga, Lord. Umpisa [pa lang ito]. Sana ma-feature [ang] buhay ko sa Magpakailanman balang araw at gusto ko ako mismo [ang] gaganap. Ang sarap [kasi] balikan ng [dati]."

 



MORE ON KIM DOMINGO:

Kim Domingo gustong maka-trabaho si Vic Sotto

Kim Domingo nagbahagi ng tips para sa summer

LOOK: Kim Domingo nagpapaliit ng bewang