
Good job, Miguel and Bianca!
Bumisita ngayong araw, April 2, sina Kapuso teen stars Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa opisina ng Philippine Daily Inquirer para lumahok sa Inquirer Read-Along.
Nagbasa ng kwento sina Bianca at Miguel para sa piling mga elementary school pupils. Ang napili nilang kwento ay ang The Greediest of Rajahs and the Whitest of Clouds na isinulat ni Honoel Ibardolaza.
Hindi ito ang unang pagkakataon na lumahok sa ganitong event si Bianca Umali. Sa katunayan, naging Inquirer Read Along Ambassador siya noong October 2015.
Ang Inquirer Read-Along ay proyekto ng Inquirer Research Department and Junior Inquirer. Layunin nito na paigtingin ang pagmamahal ng mga bata para sa pagbabasa sa tulong ng mga storytelling sessions kasama ng mga celebrities, professional storytellers at iba pang mga volunteers.
MORE ON MIGUEL TANFELIX AND BIANCA UMALI:
LOOK: Baguio photos ng BiGuel nagpakilig online
Kapuso stars best Monday servers on National Breakfast Day