
#YanAngSmile!
Isa si Primetime Queen Marian Rivera sa mga goodwill ambassadors ng NGO na Smile Train.
Bahagyang nagpahinga si Marian mula sa kanyang mga kampanya para sa charity nang ipagbuntis niya ang kanyang unang anak na si Baby Zia. Nangako naman si Marian na babalik siya matapos manganak.
Kaya ngayon ay muli niyang inilunsad ang kanyang kampanyang #YanAngSmile para sa Smile Train Philippines.
Ang Smile Train ay isang international children's charity na nagbibigay ng libreng surgery para sa mga may cleft palate at clef lip.
Unang nakilala ni Marian ang Smile Train Philippines noong 2014. Ito ay nang samahan niya ang kanyang fiance at ngayon ay asawang si Dindong Dantes sa Pampanga kung saan ipinagdiwang ng NGO ang kanilang ika-30,000th cleft surgery sa bansa.
Kabilang sina Miss Universe 2016 Pia Wurtzbach, Marc Pingris at Danica Sotto-Pingris sa iba pang mga supporters ng Smile Train Philippines.
MORE ON MARIAN RIVERA:
LOOK: Marian Rivera bagong endorser ng bottled water brand
LOOK: Marian Rivera graces the cover of parenting magazine