
Kilala bilang isang very private na tao si Dennis Trillo.
Si Dennis Trillo ay kilala bilang isa sa mga artistang hindi masyadong nagbabahagi ng kanilang personal na buhay sa publiko. Sa kanyang mga Instagram posts, marami ang nagulat nang unti-unti na niyang ibinabahagi ang kanyang bonding activities kasama ang anak na si Calix.
Sa Sarap Diva, ibinahagi ni Dennis kay Regine Velasquez-Alcasid ang kanyang rason kung bakit nagiging komportable na ito sa pagpo-post sa social media accounts niya.
Kuwento ni Dennis, "Paminsan minsan siyempre, kapag may mga bagay na proud ka at gusto mong makita ng ibang tao. 'Yun like 'yung mga simpleng joys ng pagba-bonding, 'yung magkasama lang."
"Minsan naiisipan ko lang kapag masaya ka doon sa moment na 'yun, gusto mong makita ng mga tao kung gaano kayo kasaya. 'Yun napapa-post ako kahit hindi ko talaga laging ginagawa," dagdag ng Kapuso actor.