
MikAnd fans, mapapanood n'yo na mamaya ang 'Fight for Love' sa SNBO.
First co-prod ng GMA at Cambodia Television Network na Fight for Love, mamaya na!
Mamayang gabi eere sa Pilipinas ang unang parte ng Fight for Love, isang collaboration ng GMA Network at Cambodia Television Network. Itutuloy ito sa April 24, at parehong mapapanood sa Sunday Night Box Office (SNBO).
Tampok dito sina Andrea Torres at Mikael Daez, at ang Khmer celebrities na sina Tep Rindaro, Meas Thorn Srenai at Khat Vaihang.
Ito ang unang pagkakataon na nakipag-partner ang GMA sa isang television network abroad.
Para kay Mikael, isa itong malaking blessing.
“Sobrang excited na kami. Gusto na namin makita n'yo. I don’t always get this feeling kasi siyempre, it’s different eh. In-e-enjoy namin [ni Andrea] 'yung situation so nakakatuwa, nakaka-excited,” aniya.