Rufa Mae Quinto, nakalaya na: 'Go, go, go home!'

GMA Logo Rufa Mae Quinto

Photo Inside Page


Photos

Rufa Mae Quinto



Iniutos ng Pasay RTC Branch 111 ang pagpapalaya sa aktres na si Rufa Mae Quinto ngayong Huwebes, Enero 9, matapos magpiyansa ng P1.7-milyon kaugnay sa kasong paglabag sa Securities Regulation Code ng derma company na ineendorso niya.

Matapos makalaya, nagpaunlak ng interview ang komedyante na nakuha pang magpatawa sa gitna ng kasong kinakaharap niya.

Sa video na ipinost ng GMA Integrated News online sa pamamagitan ni Saleema Refran, nagpasalamat ang aktres sa mga taong tumulong sa kanya.

Aniya, "Maraming salamat sa lahat-lahat po ng tumulong to NBI, to Pasay, pati po 'yung judge namin, lahat ng lawyers, sa lahat po ng tao na nandito and, of course, sa lahat ng press na nagsusulat nang maganda para sa atin. And naniniwala po akong justice is very fair so kaya uuwi na ako, go, go, go, home. Finally, makikita ko na ang kama ko."

Kahapon, Enero 8, sa NBI dumiretso si Rufa Mae mula airport galing Amerika matapos boluntaryong sumuko kasunod ng arrest warrant sa kanya para sa alleged investment scam.

Ayon sa aktres, tuloy pa rin ang kanilang laban para tuluyang makamit ang hustisiya.

Paninindigan niya, "Haharapin ang dapat harapin para masaya at malaman ang katotohanan."

Personal na ring nagkita sina Rufa Mae at Neri Naig. Kinasuhan din ang dating aktres at asawa ni Chito Miranda para sa parehong kaso. Ang kinaibahan lang, sinampahan si Neri ng kasong syndicated estafa.

Samantala, hindi napigilang maging emosyonal ni Rufa Mae nang magbigay ng mensahe sa kanyang fans.

Maluha-luha niyang sabi, "Nakakanerbyos po lahat ng nangyari sa 'kin, nakakalungkot pero naniniwala po ako na ang katotohanan ay magpe-prevail at masaya lang po ako na nakakausap ko na kayo nang maayos... kaya natutuwa ako for that kaya maraming salamat po, pati sa mga nagme-message sa 'kin, sa managers ko, sa lahat-lahat po ng press, pati na rin 'yung mga biktima kahit hindi lang sa isyung ito."

Sabi pa niya, "Naiiyak ako kasi ang sarap maging malaya. Marinig lang ikaw. Best things in life are free and to be heard. O 'di ba, may hearing, may heard so maganda 'yon."

Pinuri naman ng press si Rufa Mae na nakukuha pa ring magbiro sa kabila ng isyu.

Paliwanag niya, "Kasi comedian talaga ako. Kumbaga sabi ko, ako po ay isang komedyante, hindi po ako negosyante. Kaya kahit kelan, 'di po ako nagnenego-go-syo kaya wala po akong negosyo wala po akong kinalaman sa mga gano'n."

Ayon sa abogdago ni Rufa Mae na si Atty. Mary Louise Reyes, mananatili silang tapat sa legal na proseso at nanawagan sila sa publiko na iwasang manghusga base sa maling impormasyon.

Samantala, balikan ang huling pagbisita ni Rufa Mae Quinto sa Fast Talk With Boy Abunda dito:


Go, go, go! Fight, fight, fight!
Contentment
Go, go, goals!
Mother
Love
Athena
Time is Go, Go, Gold
Go, go, go with Tito Boy

Around GMA

Around GMA

8 Filipinos who brought glory to the Philippines in 2025
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays