What's Hot

Chuchay at Boobsie, magiging celebrity co-hosts ni Willie Revillame?

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 3:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kuya Kim shares last family photo with daughter Emman Atienza from Christmas Eve 2024
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Mapapanood na kaya natin araw-araw ang dalawang 'Sunday PinaSaya' stars sa 'Wowowin?'


Maliban sa bonggang pagpasok ng Wowowin sa kanilang bagong tahanan sa loob ng GMA Network, mas bongga ang kanilang pagdating dahil sa pagbisita ng dalawang komedyana mula sa Sunday PinaSaya, sina Chuchay at Boobsie.

IN PHOTOS: Ang unang araw ng 'Wowowin' sa bago nitong tahanan sa loob ng GMA Network

Matapos purihin ang dalawang komedyana, tila nagpahiwatig ng isang imbitasyon para mag-co-host si Willie Revillame. Tanong niya, “Kayo ba ay puwede ba kayong mag-araw-araw?”

Tulad ng mga tagasuporta at manonood ng Wowowin, binigyan din ni Kuya Wil ng regalo ang dalawa. Nakatanggap sina Chuchay at Boobsie ng jacket, mobile phone at TV. Nagkabiruan naman nang naisip ng Wowowin host na bigyan din sila ng pera.

“Kahit naman po artista kami, nagkakaroon din po ng pagkakataon na gipit na gipit kami,” hirit ni Boobsie.

“Sa katunayan Kuya Wil, may pa-disco na po sa bahay namin. Pa-disconnection,” biro naman ni Gladys Guevarra, ang artistang gumaganap bilang si Chuchay.

Hindi man nakatanggap ng cash ang dalawa, may mas maganda silang proposal na inihain kay Willie.

Ani Gladys, “Next week nandito tayo every day.”

“'Pag kailangan n'yo po kami, tawag lang po kayo ah,” dagdag naman ni Boobsie.

Mapapanood na kaya natin araw-araw ang dalawang Sunday PinaSaya stars sa Wowowin? Tutok na araw-araw para makakuha ng updates.



MORE ON 'WOWOWIN' & WILLIE REVILLAME:

READ: Willie Revillame, ibinahagi ang mga pinagdaanan bago makamit ang pangarap na studio sa GMA

READ: Bentong, tumatanaw ng utang na loob kay Willie Revillame