Eumir Marcial, itinanggi ang mga akusasyon ng kaniyang asawa na si Princess Marcial

Nagsalita na ang Filipino Olympic bronze medalist na si Eumir Marcial tungkol sa mga isiniwalat ng kaniyang asawa na si Princess Marcial kamakailan lang sa social media.
Sa isang video, itinanggi ni Eumir ang mga akusasyon ni Princess tungkol sa umano'y pambababae at pang-aabusong ginawa niya sa huli.
Pahayag ng kilalang boxer, “Hindi totoo lahat ng sinabi niya… Unang-una, kung sinasaktan ko siya, bakit siya magkakaroon ng pasa na ganon, pasa lang…pasa sa paa.”
“Siya 'yung [nananakit] sa akin, pinoprotektahan ko sarili ko, natatamaan ko siya dahil sa pagprotekta ko sa sarili at nagkaroon ng pasa,” depensa niya.
Ayon pa sa kaniya, “Do you think na dahil sa pananakit ko sa kanya, gusto niya pa rin sa akin mag-stay? Ginagawa niya [Princess] ito sa akin ngayon dahil ayaw ko na makisama sa kaniya dahil sa ugali niya…”
Nagpaliwanag din ang Olympian tungkol sa picture na nasa post ni Princess, “Lahat ng taumbayan ngayon, nakikita 'yung picture kung ano 'yung pinost niya. Sa likod ng picture na 'yun, hindi talaga picture, video 'yun eh. Video 'yun na sinasaktan nila 'yung babae, dalawa sila ng kapatid niya na pilit ko pinoprotektahan.”
Kasunod nito, itinanggi ni Eumir ang tungkol sa pagtataksil niya umano sa kaniyang asawa.
“Bakit walang nangyayari na pagtataksil, dahil pumunta siya doon sa akin na hindi niya kami inabot na nakapatong o may ginagawa na bagay,” sabi niya.
Pagpapatuloy niya, “Gusto ko po liwanagin ang lahat na kami dalawa hindi na kami maayos… Parati kami nag-aaway, parati niya ako sinasaktan… Nangyari 'yun bago, pagtapos ng Olympics, hindi na kami nagsasama dalawa… At 'yung babae na nakita nila sa picture, kaibigan ko 'yun… nagkita kami sa Makati, coincidence…”
Ang video tungkol sa pahayag ni Eumir ay ibinahagi ni Princess sa kaniya mismong Facebook account.
Sulat ni Princess sa caption, “Please please do remember every word. Wala daw silang relasyon… Matagal na daw kame wala. Hindi na daw kami nagsasama after Paris Olympics, hindi daw ako sinasaktan.”
“Hindi ko man pwede madisclose ang evidence dahil sa legal purpose pero in God's perfect time, malalaman n'yo,” pahabol niya.
Samantala, ikinasal ang Filipino boxer na si Eumir sa kaniyang partner na si Princess noong October 2021 sa isang beach wedding sa Batangas.
SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA CELEBRITY NA NAGHIWALAY DAHIL SA THIRD PARTY














