Nadine Samonte's most iconic TV series roles

Hindi maitatangging isa si Nadine Samonte sa pinakamahuhusay na aktres sa industriya.
Nagsimula ang karera niya nang sumali at napasama sa Final 6 ng Starstruck Season 1 noong 2003.
Agad na nabigyan ng TV lead roles si Nadine bilang Sofia sa 2004 drama series na Ikaw sa Puso Ko at Leya sa fantasy series na Leya, ang Pinakamagandang Babae sa Ilalim ng Lupa.
Sa mahigit dalawang dekada sa showbiz, iba't ibang roles na ang napagdaanan ng aktres na tumatak sa manonood. Tingnan sa gallery na ito: