Ruru Madrid, Shaira Diaz, Thea Tolentino, Tony Labrusca, dumalo sa Sinulog Festival sa Cebu

Dumalo at nakisaya ang ilang Kapuso celebrities sa naganap na Sinulog Festival sa Cebu nitong nakaraang Linggo. Nagpunta roon ang Lolong: Bayani ng Bayan actors na sina Ruru Madrid at Shaira Diaz; at sina Binibining Marikit stars Thea Tolentino at Tony Labrusca.
Ang Sinulog Festival ay kinikilala bilang isa sa mga pinakamalaking cultural at religious festival. Ito rin ang sentro ng lahat ng Santo Niño at Christian festivals sa bansa.
Tingnan kung papaano nagpasaya sina Ruru, Shaira, Thea, at Tony sa naganap na Sinulog Festival sa gallery na ito:









