Pablo, Stell, at grupo nilang SB19, big winners sa 10th Wish Music Awards

Wagi bilang grupo at solo artists ang P-Pop band na SB19 at ang mga miyembro nito na sina Stell, Pablo, Ken, at Josh sa katatapos lang na 10th Wish Music Awards.
Ginanap ito noong Linggo, January 19, sa Araneta Coliseum sa Quezon City. Nagsilbing host ng event ang 'All-Out Sundays' star na si Christian Bautista at 'It's Showtime' host na si Karylle.
Nakapag-uwi ang mga winner sa nasabing music awards ng tropeo at cash prize na Php25,000.
Hindi lang ito selebrasyon ng musika, kundi isang paraan din para tulungan ang kanilang napiling charitable organizations.
Kaakibat ng kanilang bawat pagkapanalo ang pagtanggap ng Php100,000 ng kanilang beneficiary bilang donasyon.
Tingnan sa gallery na ito kung ano-ano ang awards na nasungkit ng SB19 at ng mga miyembro ng grupo sa 10th Wish Music Awards.














