Gloria Romero passes away at 91

Pumanaw na sa edad na 91 ang tinaguriang Queen of Philippine Cinema na si Gloria Romero.
Ang malungkot na balita ay inilahad ng former Widows' War actress na si Lovely Rivero sa kaniyang latest social media post.
Sulat niya sa caption, “Rest well our Movie Queen, Tita Gloria Romero. Praying for the repose of her soul and for strength for @chefmgutierrez, Chris, and the whole family during this difficult time.”
Kinumpirma ng anak ni Gloria na si Maritess Gutierrez ang pagpanaw ng kaniyang ina.
"It is with great sadness to announce the passing of my beloved mother, Gloria Galla Gutierrez aka Gloria Romero peacefully joined our Creator today, January 25," saad niya.
"In this time of loss, our family deeply appreciates the support, prayers, sympathy, all the lovely messages, and heartfelt condolences that we've received. She will surely be missed dearly," dadag ni Maritess.
Sinabi rin ni Maritess sa kaniyang post na ang mga labi ng kaniyang ina ay nakaburol sa hall A ng Arlington Memorial Chapel sa Quezon City. Bukas, January 26, ang burol ay nakalaan lamang sa pamilya at mga kaibigan. Ang public viewing ay sa Lunes at Martes, 9:00 a.m. hanggang 1:00 p.m.
Si Gloria ang isa sa mga aktres sa Pilipinas na talaga namang tinitingala at nirerespeto ng marami.
Sa loob ng mahigit animnapung taon, iba't ibang role ang kaniyang ginampanan na sinubaybayan ng kanyang fans at napakaraming Pinoy viewers.
Isa sa mga naging huling proyekto niya ay ang GMA children's fantasy series na Daig Kayo ng Lola Ko, kung saan nakilala siya bilang si Lola Goreng.
Ang Filipino-American actress na si Gloria na may totoong pangalan na Gloria Anne Borrego Galla Gutierrez ay ipinanganak noong December 16, 1933. Mahigit 70 taon siyang nagtrabaho sa showbiz at lumabas sa mahigit 200 na pelikula.
Samantala, sa ngayon ay wala pang ibang detalye tungkol sa kanyang pagpanaw.
Ang buong entertainment industry ay nagdadalamhati sa pagpanaw ni Gloria.
SAMANTALA, TINGNAN ANG IBA PANG PUMANAW NA AKTOR NA IKINAGULAT NG LAHAT












































