What's Hot

MUST-READ: Ang hirap na pinagdaanan ni Sinon Loresca para makarating sa London

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 14, 2020 6:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News



Malubhang sakit ng kapatid, major operations, at pagkamatay ng Ama ay ang mga dagok na napagtagumpayan ni Sinon.


Marahil marami ang nagtataka kung paano ang isang tao na laki sa hirap tulad ni Sinon Loresca ay nakarating sa London at nagkaroon ng masaganang buhay. Tunay na hindi ito naging madali para sa tinaguriang Rogelia ng Kalyeserye.
 
Sa lumang video na pinost ni Sinon sa kanyang Facebook account ay kinuwento niya ang mga pinagdaanan niya upang marating ang kanyang kinatatayuan ngayon.
 
READ: Sinon Loresca, may mensahe ng pag-asa sa mga naghihirap sa buhay
 
Aniya, namuhay siyang mag-isa at malayo sa kanyang pamilya dahil na rin sa selos na nararamdaman niya dahil sa pagpabor ng kanyang mga magulang sa kanyang nakakatandang kapatid. Nakatira siya sa Maynila, habang ang ate niya ay nasa London na at ang iba niyang kapamilya ay nanatili sa Masbate.
 
Isang gabi raw ay nakatanggap siya ng tawag sa kanyang ate mula sa ibang bansa. Nakikipag-ayos ito at sinabing pinadalhan siya ng pasalubong. Maluwag naman niyang tinanggap ang pakikipagbati ng kanyang kapatid. Gayunpaman, kasabay ng pagkakaayos ng kanilang relasyon ay isang masamang balita na una niyang nalaman mula sa kaibigan nito.
 
Pagbabalik-tanaw niya, “My sister called me the following day and when my phone [rang], kinabahan ako. I answered the phone, she cried and my sister told me na, ‘Gang, I’m sick. Your ate (has) a very serious sick[ness].’ Sabi ko, ‘Don’t joke like that. Family tayo, strong tayo. Bakit tayo magkakasakit ‘di ba.’”
 
“And then, she told me, ‘Gang, I [have] kidney failure. Chronic kidney disease. My kidney is turning into zero.’ Sabi ko, ‘’Te, ano ang gagawin ko? Tutulungan kita whatever happens kasi kapatid kita eh. Hindi ko kaya, hindi ko kaya.’ Sabi ko, ‘Kung kinakailangan na ibigay ko kidney ko sa’yo, I don’t care kung kinakailangan ibigay ko ang puso ko, or whatever part of my body,” naluluhang pagpatuloy ni Sinon.
 
December 2009 nang lumipad siya patungong London gamit ang emergency tourist visa dahil siya ang naging kidney donor ng kanyang kapatid. Simula noon ay sumailalim sila sa iba’t ibang test bago simulan ang kidney transplant.
 
Sambit ni Sinon, “February 14, it’s Valentine’s day, and I had a final talk with the doctor, to the surgeon… the doctor said, ‘Are you sure? Are you willing to do this for your sister?’”
 
“And I told the doctor, ‘This is my last opportunity to help my sister. I’m willing [to] genuinely help my sister just to save her life.’ I just did my part as a brother, as a family. The operation [was] done, and God blessed us. The operation was successful,” dugtong niya.
 
Nailigtas man niya ang buhay ng kanyang kapatid, nasundan ang pangyayaring ito ng isa pang dagok sa kanilang buhay.
 
Patuloy ni Sinon, “The hardest part was when my father died in 2010. Me and my sister stayed in London. Hindi kami pinayagan mag-fly back home kasi bago lang operasyon namin, fresh pa sugat namin. Lalo na siya, bago lang ang kidney transplant niya. Ako, isa lang ang kidney ko. Hindi pa ako pwede ring mag-travel. Wala, we stayed in London while ang dad nakaburol, kasama ng iba naming siblings.”
 
Sa pagkwento ni Sinon ay nilinaw niya na iyon ang mga pangyayaring nagdala sa kanya sa ibang bansa. Pag-amin niya, minsan ay nasasaktan siya sa mga humuhusga sa kanyang pagkatao.  Kaya’t nagpaabot din siya ng mensahe na.

Aniya, “If we know na makakasakit tayo, kailangan nating isipin na bawat salita natin ay may importansya sa mga tao. We should be careful how to speak sometimes.”
 
Pagtatapos din niya, “I’m still fulfilling my dreams at papunta pa lang ako doon. I will continue lahat ng pinaghirapan ko sa buhay, nagiging gabay ko. Sana ang istorya ng buhay ko, maging inspirasyon ninyo dahil hindi lahat ng nakakaginhawa sa buhay ay galing sa masarap na pamilya. Dahil pinaghirapan din namin ang mga bagay na meron kami ngayon.”

 
MORE ON SINON LORESCA:
 
WATCH: These videos of Sinon Loresca a.k.a. Rogelia will make you laugh
 
IN PHOTOS: Meet Rogelia, ang bagong body guard ni Lola Nidora