
Ano ang isinakripisyo ni Dingdong alang-alang kay Baby Zia?
"Oo [full-time dad na]," sagot ni Kapuso Primetime Dingdong Dantes nang tanungin kung siya na ba ang nag-aalaga kay Baby Zia ngayong busy na ang asawang si Marian Rivera sa kanyang daily show na Yan Ang Morning!.
Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Dingdong na nag-resign na siya bilang commissioner-at-large ng National Youth Commission para mabigyan niya ng sapat na oras ang anak kasabay ng pagiging kabilang sa cast ng Encantadia requel.
LOOK: Dingdong Dantes as Raquim shows the map of 'Encantadia'
"'Yung focus ko talaga ngayon is doon sa baby and dito sa work ko sa GMA. But of course, 'yung developmental work for the youth is still there pero kumbaga, mas concentrated na ngayon sa development stages naman ni Zia. Siyempre, this is the stage wherein she needs her parents the most," pahayag ni Dingdong.
Mabuti na lamang daw ay hindi nagkakasabay ang trabaho nila ni Marian kaya ngayon ay nagsasalitan pa sila sa pag-aalaga kay Baby Zia. Aniya, "We take turns. We make sure whenever I have work, she does not have and vice versa."
Magiging challenge na lamang daw sa kanilang mag-asawa kapag sabay na ang kanilang taping para sa Encantadia na magsisimula na ngayong buwan.
EXCLUSIVE: Dingdong Dantes, excited makatrabaho si Marian Rivera sa isang teleserye after four years
MORE ON DONGYAN AND BABY ZIA:
EXCLUSIVE: DongYan, may kondisyon sa pagpili ng endorsements ni Baby Zia
LOOK: Dingdong Dantes's special gift to wife Marian Rivera on Mother's Day
LOOK: Baby Zia lands on the May cover of a popular entertainment magazine