Kris Aquino makes first public appearance since facing medical crisis

GMA Logo Kris Aquino
PHOTO COURTESY: GMA Network

Photo Inside Page


Photos

Kris Aquino



Nagpakita sa publiko si Kris Aquino sa unang pagkakataon sa PeopleAsia's People of the Year 2025 awards night, matapos ang matagalang gamutan sa US.

Ang pagdalo ng Queen of All Media sa naturang event ay bilang pagsuporta sa kanyang malapit na kaibigan, ang Filipino fashion designer na si Michael Leyva na bahagi ng People of the Year 2025 awardees.

“There are people who say that I'll be there for you or maaasahan mo ako. But Michael has proven that so many times and in so many ways,” ani ng celebrity mom tungkol kay Michael.

Kasama ni Kris sa kanyang pagdalo sa event ang bunsong anak na si Bimby Aquino Yap at nakabantay din ang kanyang mga doktor.

Nang tanungin ni GMA Integrated News reporter Aubrey Carampel si Kris tungkol sa kanyang health condition, ani ng huli, “I'm not so okay. Nahihilo ako.”

Kwento rin ni Kris, siya ay na-late sa event matapos nahirapang gumising at mahilo dahil sa kanyang mga bagong gamot.

Matapos ang mabilis na interview at photo opportunity, agad na binigyan ng upuan ang kilalang personalidad para makapagpahinga at umalis din makalipas ang ilang minuto.

Kasalukuyang nakikipaglaban si Kris sa iba't ibang klase ng autoimmune conditions.


Kris Aquino 
Support 
Appearance 
Son
Health condition 

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU