'Everything About My Wife' nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Sam Milby, palabas na sa mga sinehan

GMA Logo Everything About My Wife Dennis Trillo Jennylyn Mercado Sam Milby

Photo Inside Page


Photos

Everything About My Wife Dennis Trillo Jennylyn Mercado Sam Milby



Palabas na simula ngayon Miyerkules, February 26, ang pelikula ng Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, kasama ang aktor na si Sam Milby, na Everything About My Wife.

Nitong Martes, February 25, naganap ang premiere ng pelikula sa SM Megamall Cinema 3. Ito ay dinaluhan ng cast members at ng mga malalapit na kaibigan nina Jennylyn, Dennis, at Sam.

Nagbigay rin ng suporta ang ilang nakasama ni Jennylyn sa Starstruck Season 1.

Kabilang sa mga dumalo ay GMA Network Incorporated Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdez, at iba pang opisyal ng Kapuso network.

Ayon kina Dennis at Jennylyn, ang Everything About My Wife ang simula ng mas marami pang team up ng Kapuso couple ngayong taon.

Samantala, ibinahagi naman nina Dennis, Jennylyn at Sam ang mga dapat abangan sa kanilang pelikula sa panayam sa kanila ni Nelson Canlas para sa 24 Oras nitong February 25.

Ani Dennis, “Siguro maaasahan nila, first time namin magtambal tatlo para sa isang pelikula. Du'n pa lang talagang dapat nang abangan.”

Saad naman Jennylyn, aasahan ng mga manonood na tumawa, kiligin, umiyak, at maramdaman lahat ng emosyon pagkatapos nilang panoorin ang pelikula.

Itinuturing naman ni Sam na post-Valentine's Day movie offering nila ang Everything About My Wife. Saad pa ng aktor, “You can expect a fun-filled, feel-good romcom na maganda 'yung message nu'ng movie.”

Samantala, tingnan ang mga naganap sa red carpet premiere night ng Everything About My Wife sa gallery na ito:


Dennis Trillo and Jennylyn Mercado
Sam Milby
Direk Real Florido
Carmi Martin
Isay Alvarez and Nova Villa
Alex Agustin
Chico Alicaya
Polo Laurel
Joyang
More than 206 cinemas

Around GMA

Around GMA

DOTr: 3 more EDSA Busway stations in 2026
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025