
Silipin ang Pia Wurtzbach-inpsired birthday party ni Mommy D.
Nagdiwang ng kanyang ika-67th na kaarawan ang ina ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia kahapon, May 15.
Sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras, dumalo raw muna si Mommy Dionisia sa isang thanksgiving mass kasama ang pamilya bago idaos ang birthday party na iniregalo ni Manny.
Mayroong 700 katao ang imbitado sa engrandeng selebrasyon na may motif na royal blue. Inspirasyon daw rito ni Mommy Dionisia si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach.
Iisa lang daw ang birthday wish ni Mommy D. "Sana bigyan pa 'ko ng maraming taon [ng] Panginoon. 'Yun ang wish ko [kay] Lord. Sana makaabot ako ng 200 years," saad niya.
Video courtesy of GMA News
MORE ON PIA WURTZBACH:
WATCH: Pia Wurtzbach endorses local conditioner brand
Pia Wurtzbach and Doctor Mike go on helicopter date
LOOK: Ano ang kayang gawin ni Miss Universe Pia Wurtzbach para matagpuan ang kaniyang true love?