What's Hot

Celebrity politicians Anjo Yllana and Jestoni Alarcon react to "Bakit nanalo 'yan? Artista lang 'yan"

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 21, 2020 9:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Dahil matagal nang namumuno ang dalawa sa kani-kanilang mga lugar, hindi na sila apektado sa mga taong pumupuna ng kanilang mga kakayahan.


Kapag ikaw ay isang showbiz personality at tinahak mo rin ang magulong mundo ng pulitika, hindi ka maliligtas sa mga pangungutya ng publiko tulad ng “Bakit nanalo ‘yan? Artista lang ‘yan.”
 
Dalawang propesyon ang hinahawakan nina Eat Bulaga Dabarkads at Quezon City re-elected councillor Anjo Yllana at ang actor-slash-Rizal Board Member-elect na si Jestoni Alarcon. 

 

Ngayong umaga, nakasama natin sa #UnangHirit ang dalawang celebrity politicians na sina Anjo Yllana at Jestoni Alarcon.

A photo posted by Unang Hirit (@unanghirit) on

 
Dahil matagal nang namumuno ang dalawa sa kani-kanilang mga lugar, hindi na sila apektado sa mga taong pumupuna ng kanilang mga kakayahan.
 
Paliwanag ni Jestoni sa Unang Hirit, “Proud naman kami na wala kaming nagawang masama. Naupo naman kami mula noong mga first term namin [dahil sa] maayos na paglilingkod, walang kapalpakan, walang korupsyon [at] walang kalokohan. Masaya kaming naglilingkod [at kita naman sa] track record.”
 
Inilahad naman ni Anjo na nababalanse naman niya ang kanyang mga interest, “Ako’y isang comedian [at ang] commitment [ko ay] kung paano magpasaya [at] magpatawa. Iba na kasi ang commitment ‘pag isang public servant, commitment mo kung papaano matulungan ang mga taong nagtiwala [sa ‘yo].”
 
‘Di bale raw na dalawang mundo ang kanilang kinagagalawan, ang importante raw ay meron kang passion para maglingkod nang tama para sa bayan. Ayon kay Rizal Board Member-elect, “Actually, ‘pag nasa puso mo ‘yung magserbisyo, makatulong ka nang maliit, masaya ka na eh tapos minsan ‘yung showbiz talent fee, nagagalaw pa [para] makatulong lang.”
 
Ang mga kwento naman ng mga tao ang nakakaantig sa damdamin ni councillor para puspusan pa ang kanyang paglilingkod, “Nai-inspire ka, ‘Ano pa ba ang pwede kong gawin?’ Bilang legislator, ang trabaho namin [ay] ano ang pwede namin itulong sa kanila.” 
 
MORE ON CELEBRITY POLITICIANS:
 
15 celebrities turned politicians
 
IN PHOTOS: The first ladies and first gentlemen of the celebrity politicians