Barbie Forteza, David Licauco, muling nagpakilig sa isang fastfood ad

Muling nagpakilig ang Kapuso stars na sina Barbie Forteza at David Licauco, na kilala rin bilang ang loveteam na BarDa, sa isang panibagong ad para sa fastfood na Mcdonalds.
Sa Facebook, pinost ng fastfood chain ang kanilang bagong ad kung saan mapapanood sina Barbie at David na magsisimula nang kumain. Ngunit bago pa nila na-enjoy ang kanilang pagkain, sinabi na ng aktor na may aaminin siya sa kaniyang ka-love team.
Sinagot siya ni Barbie na siya rin man ay may aaminin, bago nila sinabing, “I love…extra rice!”
Sa pagtatapos ng ad ay inilapit ni David ang mukha niya kay Barbie, na binigyan naman siya ng kanilang kinakain.
RELATED CONTENT: TINGNAN ANG ILAN SA MGA NAKAKAKILIG NA PHOTOS NINA BARBIE AT DAVID SA GALLERY NA ITO:
Hindi naman napigilan ng netizens na ipahayag ang kanilang kilig sa napanood na video. Isang comment pa ang nagsabi na champion na ang dalawang aktor sa pagpapakilig.
“Grabe ang [BarDa] magpakilig champion sa kiligan love you so [BarDa] God bless you more and more projects to come. I'm the happiest person na talaga because of [BarDa],” sulat nito.
Dagdag naman ng isa pa, “Hoy!!!!!!tumitindig balahibo ko sa kilig. BarDa 😘😘😘”
“Grabi ang linyahan ng BARDA..meaningful pra skin.😄cute...be strong BARDA godbless🙏” sabi ng isa pang comment.
Ilang netizens naman ang pumuna kung gaano kaganda ang chemistry nina Barbie at David sa isa't isa, at pinasalamatan pa ang naturang fastfood chain para sa isang “kilig loaded” na advertisement.
Komento naman ng isa pang netizen, “Grabee kayo BarDa.... thank you so much McDo🥰😘”
Isang netizen naman ang nagsabing dalang-dala na naman siya ng BarDa dahil sa pagpapakilig nila. Aniya, “Kahit wala na kong lovelife basta tong si David at Barbie ē magkatuluyan.”
Dahil chicken fillet ang ineendorso nina Barbie at David, komento ng netizen, “Chicken FiLay. Maria Clara at Ibarra feels. 😂😊”
Isang netizen naman ang nagsabi na tila nabitin siya sa pinanood niyang advertisement nina Barbie at David, “Ayyy grabe kau ah... Kahit medyo bitin OK lng yan...magkasama kau masaya na kaming mga ka-BarDa... 🫶🫶🫶”
Ilang netizens din ang nagpahatid ng kanilang congratulatory messages kina Barbie at David para sa pinakabago nilang TV at online commercial.
RELATED CONTENT: Balikan ang onscreen tandem kung saan nagmula ang BarDa loveteam:














