Lindsay Custodio, sinampahan ng cyber libel ng kaniyang asawa

Sinampahan ang aktres at singer na si Lindsay Custodio ng kaniyang asawa na si Frederick Cale ng cyber libel dahil sa isang artikulo na inilabas ng PEP.ph noong 2022.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, March 5, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang pagsalaysay noon ni Lindsay ng kaniyang di umano'y traumatic experience sa mismong araw ng kasal nila ni Frederick sa naturang article.
Pag-alala ni Boy, “Sa nasabing article, Lindsay alleged na bago sila pumunta sa wedding reception ay pinilit umano ng kaniyang asawa para i-withdraw ang kanilang mga regalong tseke pati na ang pera mula sa kaniyang personal account at sa kanilang joint account para ipambayad sa kanilang wedding expenses.”
Ayon pa kay Boy, nasa Cebu ngayon ang actress-singer para harapin ang reklamo dahil doon umano finile ng kaniyang asawa ang kaso.
Related gallery: Lindsay Custodio's wedding photos
Nabanggit din ni Boy na bago mag-umpisa ang program ay nakausap nila si Lindsay, na parehong shocked at disappointed sa ginawa ng kaniyang asawa. Gayunman, sabi umano ng actress-singer, kampante siya dahil alam niya ang buong katotohanan.
“Nakakalungkot na 'yun ang ginawa niya. [I am] very disappointed, siyempre, pero okay lang po kasi what I have is the truth naman... I was shocked tsaka disappointed na 'yun ang ginawa niya though alam naman niya in his heart kung ano ang nangyari talaga,” pahayag ni Lindsay na ipinakita sa Fast Talk with Boy Abunda.
Ayon sa batikang host, bago pa ang kasong cyber libel ay nauna nang nagsampa si Frederick ng kasong perjury laban kay Lindsay, ngunit dinismiss ito ng Muntinlupa Prosecutor's Office.
Noong nakaraang taon ay nagsampa na rin ng kasong paglabag ng anti-violence against women and children si Lindsay laban sa kaniyang asawa. Na-dismiss din ito ng Muntinlupa Prosecutor's Office dahil hindi umano ito saklaw ng kanilang jurisdiction.
Panoorin ang pahayag ni Boy tungkol kay Lindsay dito:
Samantala, narito ang ilan pang high-profile libel cases:































