Vlogger na si Boss LB, sasampahan ng reklamo ng PNP HPG

Photo by: Boss LB YT

Photo Inside Page


Photos

Vlogger Boss LB vs  PNP HPG



Pinag-uusapan ngayon ang vlogger na si Brian Emnace o mas kilala bilang Boss LB, matapos ang kaniyang kontrobersyal na stunt sa isang kalsada sa Cebu.

Makikita sa kaniyang video na gumagapang siya sa kalsada ng Consolacion habang nakasuot ng kuhol costume. Ang kaniyang stunt at nagsanhi ng mabigat na trapiko sa lugar at nakatanggap ng matinding pambabatikos online. Marami ang nagsabi na ginawa lamang ito ni Boss LB “forda content (for the content),” bagay na ikinadismaya ng netizens, lalo na ng kaniyang kapwa Cebuano.

Sa gitna ng kontrobersya, naglabas ng apology video si Boss LB habang suot pa rin ang kaniyang "snail man" costume.

“Hihingi ako ng patawad sa aking malaking kasalanan na aking ginawa. Hindi iyon magandang gawin at nakadulot ako ng gulo at trapik sa Consolacion,” aniya sa salitang Cebuano.

Nakapanayam din siya ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, kung saan muli siyang humingi ng tawad sa publiko. Ayon sa vlogger, 16 seconds lang naman daw siya gumapang sa kalsada at nabili niya ang kaniyang costume online.

Gayunpaman, sa kabila ng kaniyang paghingi ng tawad, nakatakda pa ring sampahan ng Philippine National Police Highway Patrol Group Region 7 (PNP HPG-7) si Boss LB ng reklamong public disturbance.

“Kahit na nag-public apology ang vlogger, pero desidido ang pulisya na magsampa ng reklamo para bigyan ng leksyon ang nakararami na dapat silang maging responsable sa lahat ng kanilang mga aksyon,” sabi ni HPG 7 Director, Police Colonel Wilbert Parilla.

Noong March 10 naman, personal na nagtungo ang vlogger sa Consolacion Police Station upang personal humingi ng tawad sa mga awtoridad.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang mga opisyal, kabilang na ang mayor ng Consolacion na si Teresa Alegado, hinggil sa kaso.

SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA DATING CHILD STARS NA LUMABAG SA BATAS


John Wayne Sace
Drug watch
Child star
Jiro Manio
Drug addiction
Frustrated homicide case
CJ Ramos
Drug buy-bust
Baron Geisler
Acts of lasciviousness
Unjust vexation and alarm and scandal
Grave threat, alarm and scandal, and illegal possession of a deadly weapon

Around GMA

Around GMA

Emilia Clarke gets surprise visit from Jason Momoa in New York
At least 30 houses along creek in Bacolod City demolished
Khalil Ramos is on the digital cover of a men's fashion magazine