
Tatlong Bibe + Wrecking Ball by Miley Cyrus = hilarious rendition!
Hindi nagpahuli si Kapuso young actress Bianca Umali sa nauusong kanta ngayon sa internet.
Ibinahagi niya ang kanyang pagli-lip sync ng awit na 'Tatlong Bibe' na ini-mashup pa sa 'Wrecking Ball' ni Miley Cyrus sa kanyang Musical.ly at Instagram account.
Katatapos lang ng GMA Afternoon Prime series na pinagbidahan ni Bianca, ang Wish I May. Nakasama niya dito ang kanyang ka-love team na si Miguel Tanfelix.
Mapapanood pa rin bawat Linggo si Bianca, pati na si Miguel, sa Ismol Family.
MORE ON BIANCA UMALI:
Bianca Umali just got verified on a popular music app
WATCH: Bianca Umali masters the art of lip syncing