Veteran actress Delia Razon, pumanaw na sa edad na 94

Pumanaw na ang beteranang aktres na si Delia Razon (real name: Lucy May G. Reyes) sa edad na 94 noong Sabado, March 15. Kinumpirama ito ng kanyang apo at Kapuso actress na si Carla Abellana sa kanyang Instagram post, kung saan isang obituary poster ni Delia Razon ang ibinahagi ng aktres.
"Celebrating the life of Lucy May G. Reyes "Delia Razon" August 8, 1930 - March 15, 2025," nakasulat sa obituary poster.
Wala pang ibang impormasyon tungkol sa pagkamatay ni Delia Razon ang ibinabahagi ng kanyang pamilya.
Nagsimula si Delia sa Philippine entertainment nang mag-debut sa pelikulang Krus na Bituin noong 1949. Mas nakilala ang "Queen of Costume Pictures" nang makatambal si Rogelio dela Rosa sa pelikulang Prinsipe Amante noong 1950. Ilan pa sa pelikulang ginawa niya ay Mutya ng Pasig (1950) at Luksang Tagumpay (1956).
SAMANTALA, TINGNAN ANG IBA PANG PUMANAW NA AKTOR NA IKINAGULAT NG LAHAT












































