Para kay Sanya Lopez, isang blessing na maituturing ang kanyang pagkakasama sa Encantadia. Si Sanya ay gaganap bilang Sang'gre Danaya.
"Sobra ding blessing sa akin kasi this is my first na makasama ako sa ganitong telefantasya, and it's a big blessing po talaga," pahayag ng Kapuso aktres sa kanilang pagbisita sa Sarap Diva nitong Sabado (May 28).
LOOK: Mga Sang'gre ng 'Encantadia,' binisita si Regine Velasquez-Alcasid
Kung may isang bagay umanong natutunan si Sanya sa kanyang pagsabak sa kanyang role na Danaya, ito ay ang hindi paghinto sa pag-abot ng pangarap.
Aniya, "Kapag meron kang pangarap basta patuloy ka lang mangarap, huwag kang hihinto kasi later on ibibigay rin 'yun in the perfect time. "
MORE ON SANYA LOPEZ:
IN PHOTOS: Meet Encantadia's new Danaya, Sanya Lopez
Sanya Lopez, hindi inasahang siya ang mapipiling gumanap kay Danaya sa 'Encantadia'